Ni Leslie Ann G. Aquino, ulat ni Aaron Recuenco

May bagong itatampok sa Traslacion o prusisyon ng Mahal na Poong Nazareno sa Martes—ang 12 Prayer Station sa mga lugar na dadaaanan ng prusisyon.

Devotees hold candles on the image of Jesus Nazarene made out of colored dried coconut shavings during a mass at the P.Noval in Manila, Tuesday night. This is in preparation for the feast  of Black Nazarene on January 9, 2018. MBPHOTO.CAMILLE ANTE
Devotees hold candles on the image of Jesus Nazarene made out of colored dried coconut shavings during a mass at the P.Noval in Manila, Tuesday night. This is in preparation for the feast of Black Nazarene on January 9, 2018.
MBPHOTO.CAMILLE ANTE

Sinabi ni Monsignor Hernando “Ding” Coronel, rector ng Minor Basilica of the Black Nazarene, na layunin niting gawing mas “religious and spiritual” ang taunang aktibidad.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“This is not an original idea from us. Even the police have these so called segments so what we did here was prayer segments so it would be more religious and spiritual,” sabi ni Coronel, at inaming ang ideya ay mula sa mga kasapi ni Hijos Nazareno.

Matatagpuan ang 12 Prayer Station sa panulukan ng Roxas Blvd., Katigbak Driveway at Padre Burgos; sa National Museum; sa underpass sa pagitan ng Taft at Padre Burgos; sa underpass sa panulukan ng Ande Road; sa Lawton, Sta. Cruz Church; sa Quezon Blvd corner Arlegui; sa Arlegui at P. Casa; sa pagitan ng MLQU at Carcer; sa San Sebastian Church; sa De Guzman Barangay Hall; at sa Bautista, Globo de Oro.

Sa bawat istasyon ay may nakatalaga para pamunuan ang pananalangin ng mga deboto.

Babaguhin din ang ruta ng Traslacion ngayong taon para sa mas “safer” na pamamanata sa Martes.

Magsisimula ang prusisyon pagkatapos ng panalangin ng 5:00 ng umaga at sisimulan sa Quirino Grandstand kanan sa Katigbak Drive patungong Padre Burgos St. (westbound lane) diretsong P. Burgos (southbound lane) at tatagos sa Jones Bridge. Kakanan sa Dasmarinas Street, kanan sa Plaza Sta. Cruz, kaliwa sa Carlos Palanca, kaliwa sa Quezon Blvd., kanan sa Arlegui, kanan sa Fraternal, kanan sa Vergara, kaliwa sa Duque de Alba, kaliwa sa Castillejos.

Kakaliwa uli sa Farnecio Street, kanan sa Arlegui, kaliwa sa Nepomuceno, kaliwa sa Aguila, kanan sa Carcer, kanan sa Hidalgo patungong Plaza del Carmen, kaliwa sa Bilibid Viejo diretsong Gil Puyat, kaliwa sa JP De Guzman, kanan sa Hidalgo, kaliwa sa Barbosa, kanan sa Globo de Oro sa ilalim ng Quezon Bridge, kanan sa Palanca, kanan sa Villalobos diretsong Plaza Miranda at papasok sa Quiapo Church.

Kaugnay nito, magtatalaga ang militar ng isang batalyon, o 500 sundalo, upang ayudahan ang pulisya sa pagtiyak sa seguridad sa Traslacion sa Martes.