Nahaharap sa kasong kriminal sa Department of Justice (DoJ) ang isang steel company sa pagkabigo nitong magbayad sa gobyerno ng mahigit P3 milyong halaga ng buwis.

Naghain ng reklamo ang Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa CQS Stainless Corp. at sa executives nito na sina presidents Teodulo Tayag, Jr. at Albert Lin; chief finance officer Ivy Chung, at corporate secretary Lenida David Condol.

Kinasuhan ang mga respondents sa pagkabigong magbayad ng buwis na paglabag sa Section 255 in relation to Section 253(d) at 256 ng National Internal Revenue Code of 1997.

Naghain ng reklamo ang BIR matapos madiskubreng lumabag ang kumpanya sa pagbabayad ng buwis na nasa kabuuang P3,896,167.27.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“However, despite said repeated demands, the taxes due on the subject returns filed remained unpaid,” diin ng BIR. - Jeffrey G. Damicog