Ni MERLINA HERNANDO-MALIPOT

Inalis na ng Department of Education (DepEd) ang moratorium sa mga educational field trip sa paglabas ng bagong implementing guidelines sa pagsasagawa ng off-campus activities para sa lahat ng mga pribado at pampublikong paaralan sa elementarya at sekondarya.

Naglabas si Education Secretary Leonor Briones ng DepEd Order No. 66 series of 2017 noong Disyembre 27, na nagpapahayag na inaalis na ang DepEd Memorandum No. 47 series of 2017 o ang “Moratorium on Educational Field trips and Other Similar Activities” kasabay ng pagkakabisa ng guidelines sa “conduct of co-curricular and extra-curricular off-campus activities for both public and private schools nationwide.”

Sinabi ni Briones na inisyu ang bagong guidelines “in support of the K to 12 curriculum implementation.” Idiniin din niya na ang lahat ng co-curricular at extra-curricular activities ay dapat na sumunod sa bagong patakaran na itinakda ng DepEd.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Muli ring ipinaalala ng DepEd na boluntaryo ang partisipasyon -- lalo na sa mga mag-aaral -- sa mga fied trip, at hindi ito dapat makaapekto sa grado ng estudyante.

“No learner shall be required to participate in any off-campus activity,” diin ng DepEd.

Magiging mandatory na rin ang travel insurance “for all off-campus activities” at walang sinumang papayagan na sumali sa field trip nang walang travel insurance.

Idiniin din ng DepEd na kailangang paghandaan ang off-campus activities partikular sa planning, safety at security measures, pagpili ng lugar para sa field trips/educational trips, service providers, provision for learners with special needs, parents/guardian conference at pre-departure briefing.

Upang matiyak ang kaligtasan ng mga kalahok, inatasan ng DepEd anbg lahat ng eskuwelahan at iba pang kaugnay na opisina na maghanda ng plano “and seek approval of concerned authorities.” Ang nasabing plano “should take into account the learners’ diversity, context, and needs.” Kailangang magkaroon ang aktibong pakikibahagi ang mga magulang sa pagpaplano ng mga aktibidad sa labas ng eskuwelahan.

Babala ng DepEd, ang anumang paglabag sa nasabing kautusan ay may katumbas na parusa.