Target ng 17-anyos na si Saso na masungkit ang ikalawang pro title matapos magwagi sa LPGT Eagle Ridge tournament noong 2016.
Pangungunahan ni Saso, kampeon sa Philippine Amateur Stroke and Match Play sa nakalipas na taon. Ang walong amateur player na magtatangkang makasabay sa mga pros sa 54-hole championship – ang unang torneo ngayong season ng Ladies Philippine Golf Tour sa pangangasiwa ng ICTSI.
Sasabak din sina dating Junior World champion Daniella Uy, Chanelle Avaricio, Laia Barro, Marianne Bustos, Sam Dizon, Baek Yeun Jea at ang nagbabalik na si Sam Martirez.
Tinanghal ding kampeon si Saso sa World Junior Girls at ginabayan ang bansa sa team championship sa Canada noong 2016.
Pangungunahan naman nina LPGA at Symetra Tour campaigner Dottie Ardina ang listahan ng Pinay pros na kinabibilangan din nina Cyna Rodriguez at Princess Superal.
Inaasahan din ang pagkikig nina LPGT leg winners Chihiro Ikeda, Sarah Ababa at Korean Euna Koh.
Target naman ni Pauline del Rosario, top money earner sa LPGT sa nakalipas na taon, na malagpasan ang apat na panalo sa kanyang rookie season matapos ang malamyang kampanya sa pagtatapos ng 2017 sa South Forbes.
Liyamado ang Thais golfers na winalis ang LPGT fifth season at ngayo’y tatampukan nina Saraporn Chamchoi, Tiranan Yoopan, Chonlada Chayanun at dating leg winners Saruttaya Ngam-usawan at Wannasiri Sirisampant, gayundin sina Renuka Suksukont at Yupaporn Kawinpakorn, kampeon sa Philippine Ladies Masters at South Forbes, ayon sa pagkakasunod.
Ang ibang pang Thais na sasabak sa torneo na itinataguyod ng Custom Clubmakers, BDO, Meralco, Sharp, KZG, PLDT, Champion, Summit Mineral Water at K&G Golf ay sina Numa Gulyanamitta, Pakpring Duangchan, Chitawadee Duangchan, Hathaikarn Wongwaikijphaisal, Jaruporn P Na Ayuttaya, Ploychompoo Wilairungrueng, Punpaka Phuntumabamrung, Sarinee Thitiratanakorn, Supakchaya Pattaranakrueng at Thanuttra Boonraksasat.