WALANG sisihan, walang turuan.
Aminado ang kampo ni Filipino boxer Milan Melindo na natalo ang tinaguriang "El Metodico" nang patas at sa mas matikas na karibal na si Ryoichi Taguchi sa bisperas ng Bagong Taon sa Tokyo, Japan.
Matikas na nakihamok ang Pinoy champions a loob ng 12 round, ngunit
ang desisyon ng mga hurado ay pawang pumabor sa Japanese para sa unanimous decision victory ni Taguchi.
Nakamit ni Melindo ang IBF belt – unang world title – nang pabagsakin sa unang round si Japanese Akira Yaegashi sa Tokyo. Naidepensa niya ito nitong Setyembre laban kay Hekkie Budler.
Ngunit, sa kanyang pagbabalik sa Tokyo, hindi natupad ang inaasam na kasaysayan ni Melindo nang magapi siya ng matikas na karibal sa iskor na 116-112, 117-111, 117-111.
Nakadidismaya ang resulta at ang kabiguan. Ngunit, kailangang tanggapina ang kapalaran ni Melindo.
“We lost to a better fighter last night,” pahayag ni Edito Villamor, trainor ni Melindo sa ALA Promotions, sa kanyang mensahe sa Twitter.
“It was a great fight,” aniya.
Sa kabilang ng kabiguan, nakatuon ang kampo ni Melindo sa susunod na hakbang upang muling makasikwat ng world title ang Pinoy.
Tangan ni Melindo ang markang 37-3.