Ni Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY - Inalerto kahapon ng National Irrigation Administration (NIA) ang mga residente sa paligid ng Magat Dam sa posibleng pagbaha at pagkakaroon ng landslides bunsod ng tubig na naipon sa ilang araw nang pag-uulan.

Sa ulat ng NIA, nasa 192.51 metro na ang water level sa Magat Dam o 0.49 metro bago ito umabot sa spilling level na 193 metro, bandang 10:00 ng umaga kahapon.

Paliwanag ng NIA, mabilis tumaas ang water level sa dam dahil sa walang patid na pag-ulan sa nakalipas na mga araw, na dulot ng hanging amihan na nakaaapekto sa Cagayan Valley.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Pinag-iingat ng NIA ang mga residente malapit sa Magat Da, at pinaghahanda na rin sa posibleng paglikas sakaling kailanganing magpakawala ng tubig ng water reservoir anumang oras.