Ni Leonel M. Abasola

Binuweltahan ng netizens si Senator Sherwin Gatchalian matapos siyang mag-post sa kanyang social media account ng “gago” at “ulol” nang tawagin siyang “trapo” at “ingrato”.

Nag-ugat ito sa pagpo-post ni Gatchalian, gamit ang kanyang personal account na @stgatchalian ng, “The nation already lost its soul in the last 6 years.”

Ito ay bilang reaksiyon sa pahayag ng Liberal Party (LP) na ang 2018 “may be the fight for the nation’s soul”.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sa pamamagitan ng screenshot, sinagot si Gatchalian ng isang netizen nang i-repost nito ang dating pagpapahayag ng senador ng paghanga sa gobyerno noong 2010 at 2012, at nagpasalamat at pinuri si dating Pangulong Benigno Aquino III.

Isang Sonnny Candazo ang nag-post sa kanyang Twitter at nagsabing trapo sina Gatchalian at Sen. Sonny Angara, na sinagot naman ni Gatchalian ng “gago” at “gago ka”.

Sinagot din ni Gatchalian ng “ulol” ang isang Romdel Bellosillo na tumawag naman sa kanya ng “ingrato”.

Kaugnay nito, kinumpirma ni Gatchalian sa mga mamamahayag na siya ang sumagot sa Twitter gamit ang kanyang personal account, makaraang maghinala ang ilan na na-hack ang kanyang account.