Kinumpirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde na nagpositibo sa gunpowder ang babaeng biktima ng palpak na pagresponde ng mga pulis at ng mga barangay tanod sa Mandaluyong City kamakailan.

Aniya, nagpositibo si Jonalyn Ambaon sa paraffin test.

Posibleng nagpositibo sa gunpowder residue ang biktima matapos itong mabaril sa ulo, ayon pa kay Albayalde.

Kasalukuyang nakakulong ang 10 pulis at dalawang tanod na pawang sangkot sa insidente na ikinamatay ni Ambaon at ni Jomar Hayawun.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Samantala, ipinag-utos kahapon ni Director General Ronald dela Rosa, hepe ng Philippine National Police (PNP), ang pagtugis sa mga tanod na gumagamit ng baril sa pagpapatrulya.

Ito ay kasunod ng kontrobersiyal na Mandaluyong City incident kung saan inaakusahan ang mga tanod Barangay Addition Hills sa pagratrat sa isang sasakyan na inakala nilang getaway vehicle ng mga armado na sangkot sa pamamaril sa kanilang lungsod noong nakaraang linggo.

“First of all, these tanod, they are not authorized to carry guns so right now I am giving instruction to all members of the PNP: Arrest all the armed barangay tanod,” sabi ni Dela Rosa.

“They cannot invoke that they have the right to carry firearms because they are tanod. That is illegal. What they are lawfully allowed to bear are sticks,” dagdag niya.

“I don’t care if the mayors, the bosses of the tanod, would get mad. You should arrest them all because that is illegal. They are not authorized to bear firearms,” diin ni Dela Rosa. - Fer Taboy at Aaron Recuenco