Ni NORA CALDERON

ALDEN Richards
ALDEN Richards
SI Alden Richards uli ang nag-open ng 2018 GMA New Year Countdown: Buong Puso Para Sa Kapuso na isinagawa sa SM Mall of Asia Seaside Boulevard, Pasay City last December 31, 2017 to January 1, 2018.

Nagsimula si Alden sa MRT GMA/Kamuning Station up to Taft Avenue Station, at nag-interview ng mga pasahero na tinanong niya kung ano ang mga hindi nila makalilimutang nangyari sa buhay nila noong 2017. Pagdating sa MOA, sumayaw agad siya ng Despacito.

May live coverage din ang GMA Cebu sa countdown naman nila sa Marco Polo Hotel. Live ding napanood ng fans here and abroad ang countdown sa Facebook at YouTube ng GMA Network. Si Joyce Pring naman ang nag-host ng Online.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Sa kanyang New Year’s greeting nagpasalamat si Atty. Felipe L. Gozon, Chairman at CEO ng GMA Network, sa SM sa ten years na nilang partnership sa pagbibigay ng kasiyahan sa mga tao here and abroad sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ipinakita rin ang mga video na bumabati ang mga kababayan nating OFWs mula sa iba’t ibang lugar sa mundo, at maging ang mga kababayan nating naninirahan na sa malalayong lugar kasama ang kani-kanilang pamilya.

Naging co-host ni Alden ang sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali, Rocco Nacino, Benjamin Alves, Betong Sumaya, Nar Cabico, Sanya Lopez, Andrea Torres at Kris Bernal. Twice nag-perform si 2017 Reina Hispanoamericana Teresita Ssen Marquez ng sexy dance numbers, at sa isa ay kasayaw niya ang boyfriend na si Mark Herras.

Nag-duet sina Christian Bautista at Julie Ann San Jose, tuloy promote ng coming concert nila with Regine Velasquez, ang Three Stars One Heart sa January 20 sa Waterfront Hotel & Casino sa Cebu City. Christian serenaded the three sexy actresses ng GMA na sina Kris, Andrea at Sanya. Nagkaroon din ng dance numbers ang iba pang Kapuso stars.

Bale finale number before 12:00 midnight sina Julie Ann, Christian, at si Alden. Tulad ng ilang taon na niyang ginagawa, kumanta siya na itinuloy sa pagbilang ng seconds to midnight, at sinundan ng magagandang fireworks. Thank God, hindi umulan ngayon unlike noong 2016-2017, kaya enjoy ang mga tao sa panonood at batian ng “Happy New Year.”

Hindi nakalimutan ni Alden na banggitin ang Master Showman na si Kuya Germs at sinabihan ng, “Kung nasaan ka man, Happy New Year po.”

Si Kuya Germs kasi ang nagpasimuno ng GMA countdown na itinutuloy na ni Alden na ginagawa na niya for the past seven years, simula nang pumasok siya sa GMA Network at nangako siyang gagawin niya ito taun-taon.

At tulad nang nakagawian, tuluy-tuloy pa rin ang show pagkatapos ng fireworks display at si Alden pa rin ang nag-perform ng finale number. Kitang-kita na hindi pa rin nag-alisan ang napakaraming taong dumalo dahil patuloy pa rin ang magagandang fireworks display.