BUNTIS na si Rebecca Hall.

Rebecca Hall
Rebecca Hall
Ipinahayag sa pamamagitan ng Instagram ng Vicky Cristina Barcelona actress ang balita na magkakaanak na sila ng asawang si Morgan Spector.

Nagpaskil ang 35-anyos ng larawan niya na hawak ang nakaumbok na tiyan, at isinaad na: “Whole lot of ‘new’ coming with this New Year... wishing you and yours a 2018 full of joy, magic, hope, wonder and all those other joyful hopeful new-start words. HAPPY NEW YEAR.”

Idinagdag niya ang emojis ng camera at blue heart, at isinulat na: “Credited to @morgan spector.”

Tsika at Intriga

Ian De Leon, pamilya, nagsalita sa dahilan ng pagkamatay ni Nora Aunor

Ibinahagi rin ni Morgan ang tummy-framing photo niya at idinagdag ang caption na: “As the bearer of the first fruitful male womb i’m asking everyone to just be cool for the next hundred or so years.”

Ikinasal ang mag-asawa noong 2015.

Ang baby news ang nagbigay ng ngiti kay Rebecca kasunod ng pagpanaw ng kanyang ama, ang British theatre mogul na si Sir Peter Hall, noong Setyembre 2017.

Namatay ito sa University College Hospital sa London, sa piling ng kanyang pamilya.

Itinatag ni Hall ang Royal Shakespeare Company noong 1960 at pinamunuan ito hanggang 1968. Itinalaga siyang Director of the National Theatre noong 1973 at reponsable sa paglipat ng kumpanya mula sa Old Vic Theatre ng Londo sa isang complex sa South Bank ng lungsod.

Inulila ni Hall, naging knight noong 1977 dahil sa kanyang pagsisilbi sa teatro, ang asawang si Nicki, at iba pang mga anak na sina Christopher, Jennifer, Edward, Lucy, Emma, at siyam na apo. - Cover Media