SAN JOSE (Reuters) – Isang Costa Rican na eroplano ang bumulusok sa kagubatan malapit sa isang sikat na tourist beach nitong Linggo, na ikinamatay ng 10 U.S. citizens at dalawang piloto.

Nangyari ang aksidente sa kabundukan ng Punta Islita beach town sa lalawigan ng Guanacaste, may 230 kilometro ang layo sa kanluran ng kabiserang San Jose.

Sinabi ni Enio Cubillo, director ng civil aviation agency ng Costa Rica, na bumulusok ang Cessna 208B Grand Caravan aircraft na pinatatakbo ng lokal na kumpanyang Nature Air ilang minuto matapos mag-takeoff, ngunit hindi pa makumpirma ng mga opisyal ang sanhi ng aksidente.

Ang Punta Islita, sa Pacific Coast ng Costa Rica, ay sikat sa North American at European tourists dahil sa malinis na baybayin at luntiang kapaligiran nito.
Internasyonal

Pope Francis, nanawagan sa mga magulang, guro na labanan ‘bullying’