SEOUL (AFP) – Nangako si Kim Jong-Un na magma-mass produce ang North Korea ng nuclear warheads at missiles sa kanyang mensahe sa Bagong Taon nitong Lunes, nagpahiwatig na ipagpapatuloy niya ang pagpapabilis sa rogue weapons program na ikinagagalit ng iba’t ibang bansa.
Pinamahalaan ni Kim, sinabi kahapon na hawak niya palagi ang nuclear launch button sa kanyang desk, ang maraming missile tests nitong mga nakaraang buwan gayundin ang pang-anim at pinakamalakas na nuclear test ng North – na ayon dito ay isang hydrogen bomb – noong Setyembre.
‘’We must mass-produce nuclear warheads and ballistic missiles and speed up their deployment,’’ sabi ni Kim sa kanyang taunang mensahe sa bansa.
Muli niyang idiin na natamo na ng North Korea ang layunin nitong maging isang nuclear state nguinit iginiit na ang pagpapalawak nito sa weapons programme ay para depensahan ang bansa.
‘’We should always keep readiness to take immediate nuclear counter-attacks against the enemy’s scheme for a nuclear war,’’ aniya.