Ni NORA CALDERON

Carmina Villarroel
Carmina Villarroel
THANKFUL and happy si Carmina Villarroel na tinanggap niya ang role bilang Geraldine sa primetime drama series na Kambal Karibal. Sa istorya, nagkaanak siya ng kambal na itinago niya sa asawang si Raymond (Marvin Agustin) at pinalabas na namatay ang mga ito nang isilang.

Enjoy siya sa heavy drama acting na napapanood ngayon sa serye.

Lumaki ang kambal na sina Crisanta at Criselda sa hindi makataong pagpapalaki ni Teresa (Jean Garcia) at namatay si Criselda nang hindi payagan ni Raymond na mag-donate ng dugo si Geraldine para rito. 

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Lumaki ang kambal na hindi iniiwanan ni Crisel si Crisan sa kabila ng pagpanaw ng isa. Kahit saan pumunta ang kakambal, naroon siya. Dating mabait si Crisel na naging mapaghiganti nang magdalaga na sila dahil naiinggit siya sa kakambal at gusto niyang maging tao muli. Lahat ng ginagawang masama ni Crisel ay isinisisi kay Crisan na lumaking mabait at mapagbigay. Hindi kasi nila nakikita si Crisel.

“Nang makilala ko si Crisan, hindi ko na mapigil ang ibang pagtingin ko sa kanya,” sabi Carmina. “Nang malaman kong gusto niyang mag-aral, ginawa ko siyang scholar sa aming university, nang mangailangan siya ng trabaho, binigyan ko siya ng trabaho sa aking coffee shop. Pero ikinagalit iyon ng adopted daughter namin ni Raymond, si Cheska. Sa ngayon, lalo kaming nagkakalapit ni Crisan, hindi namin alam na totoo kaming mag-ina. Kaya naman, drama kami lagi kapag naaapi si Crisan at kinakampihan ko siya.  At nakaka-relate ako, dahil siguro may anak din akong kambal, nararamdaman ko ang feeling ni Crisan na kulang sa pagmamahal at ako rin uhaw sa pagmamahal ng aking asawa at adopted daughter na parehong makasarili at wala sa katwiran sa pakikitungo sa kanilang kapwa.

“Kaya gustung-gusto kong pumunta sa taping namin dahil excited akong makita ang acting ng mga kasama ko, ang magandang samahan namin sa set. Lahat kasi, open na matuto at sumusuporta sa bawat isa. 

“Hangang-hanga rin ako sa husay nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali at madalas nadadala ako sa acting nila. Si Miguel kasi as Diego ay ayaw ding tanggapin ng tunay niyang ama (Marvin) at walang nag-aalagang ina (Sheree) dahil nakakulong ito sa correctional. Kaya iyong Christmas scene, todo iyakan kaming lahat.”

Inspirasyon din ng buong cast ng Kambal Karibal ang halos pumapantay nang rating nila sa katapat na show at balita ring isa ang drama series nila sa tinututukan ng big boss nilang si Atty. Felipe L. Gozon.

Mas marami pang magagandang eksenang aasahan sa Kambal Karibal na idinidirehe ni Don Michael Perez at napapanood gabi-gabi pagkatapos ng Super Ma’am.