BUNTIS si America Ferrera.

America Ferrera
America Ferrera
Sabik na ang 33 taong gulang na aktres at asawa niyang si Ryan Piers Williams sa pagsilang ng kanilang unang supling.

Ipinahayag ni America ang big baby news sa pamamagitan ng Instagram sa  New Year’s Eve.

“We’re welcoming one more face to kiss in 2018!” saad ng dating Ugly Betty star sa ilalim ng larawan niya at ni Ryan na nagto-toast para sa pagpasok ng 2018.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sina America at Ryan, nagkakilala noong mga estudyante pa lamang sa University of Southern California, ay ikinasal noong 2011.

Lumabas ang masayang balita mahigit dalawang buwan simula nang ibunyag ng aktres na siya ay pinagsamantalahan noong siya ay siyam na taong gulang sa isang heartbreaking social media post, bilang  bahagi ng #MeToo movement, na humihikayat sa kababaihan upang magsalita tungkol sa kanilang naranasang sexual harassment at assault.

Inihayag ni America ang pang-aabuso sa kanya ng isang matandang lalaki na kilala niya, isinulat na: “First time I can remember being sexually assaulted I was nine-years-old. I told no one and lived with the shame and guilt thinking all along that I, a nine-year-old child, was somehow responsible for the actions of a grown man.”

Ngunit ang hilakbot ng nangyari ay nanatili sa loob ng maraming taon, at sinabi ng aktres na nakikita pa rin niya ang umabuso sa kanya pagkatapos noon.

“I had to see this man on a daily basis for years to come,”  dugtong niya. “He would smile at me and wave, and I would hurry past him, my blood running cold, my guts carrying the burden of what only he & I knew - that he expected me to shut my mouth and smile back.”

Bumaha ang suporta ng fans sa social media, at nagkomento ang kabituin ni America sa The Sisterhood of the Traveling Pants na si Amber Tamblyn sa Instagram na siya ang, “The bravest babe I know”. - Cover Media