Patung-patong na kaso ang kinakaharap ngayon ng dalawang tauhan ng Philippine Army makaraang walang habas na magpaputok ng baril na ikinasugat ng isang tao matapos madaplisan sa katawan, sa Taguig City kahapon ng madaling araw.

Iniimbestigahan sa Taguig City Police at posibleng kasuhan ng alarm and scandal for indiscriminate firing, illegal possession of firearms and ammunitions, physical injury, direct assault, resisting arrest, at serious disobedience sina retired Army S/Sgt. Jamael Mindalano at Corporal Richard John Quijano, nakatalaga sa Light Reaction Coy, Light Reaction Regiment sa Special Operations Command.

“They must be liable to the law and to the victim. They must face the consequences and corresponding sanctions,” sabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde.

Tiniyak ni Albayalde sa publiko na ang sinumang nagpaputok ng baril sa pagsalubong sa Bagong Taon nitong Linggo ng gabi ay papanagutin.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Batay sa ulat, nangyari ang pagpapaputok ng baril sa Sto. Nino Street sa Barangay Lower Bicutan sa Taguig dakong 12:36 ng umaga.

Nabatid na si Mindalano ang nakadaplis sa kapitbahay niyang si Jolly Moreno mula sa bullet shrapnel habang sinasalubong ang Bagong Taon.

Kaagad na nadala sa pagamutan si Moreno habang inaresto naman ang dalawang suspek, na nakuhanan ng dalawang .45 caliber pistol, isang .9mm caliber, isang .38 caliber revolver, at mga bala. - Bella Gamotea