Wala tayong masyadong alam tungkol sa fiancee ni Phil, basta maganda siya, sexy at mahal ni Phil.
Hindi rin binanggit ng engaged couple kung kailan at kung saan nag-propose so Phil, nabasa na lang sa social media account nila ang magandang balita.
Post ni Phil: “We hope that everyone had a wonderful Christmas with their loved ones. We certainly had a magical Christmas this year... I proposed yo @magshall -- and she said YES! We are beyond blessed to have shared this special moment with our family.”
Ini-repost ito ng fiancee ni Phil, may binago lang -- ang part na “My love @philyounghusband10 proposed to me and I said Yes!”
Ang daming nag-congratulate sa engaged couple at inaalam kung kailan ang kasal. Hayaan na muna ang dalawa sa bagong status ng kanilang relasyon na papunta na sa pagiging mag-asawa.
Nakakalungkot lang na may fans na pilit pa ring iniuugnay si Angel Locsin kay Phil. Patahimikin na natin sila, matagal nang tapos ang kanilang relasyon, heto nga at engaged na si Phil at si Angel ay masaya sa piling ni Neil Arce. --Nitz Miralles