Inaasahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na sisikip na naman ang mga kalsadapagbungad ng Bagong Taon dahil sa pagbalik sa Maynila ng mga nagbakasyon sa probinsiya.

Sinabi ng Bong Nebrija, MMDA chief of special operations Task Force, patuloy na ipapakalat ang mga traffic personnel sa mga pangunahing daan sa Martes at Miyerkules.

“We will post or deploy traffic enforcers to ensure traffic would be manageable on Balintawak, Commonwealth and Epifanio Delos Santos Avenue (Edsa),” said Nebrija.

Tututukan din ng MMDA ang mga entry point ng North Luzon Expressway and South Luzon Expressway.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“All our 2,400 traffic personnel are deployed on major roads as we are implementing no day off, no absent policy among our front liners on January 1 and 2,” ani Nebrija.

Pag-iibayuhin din ng MMDA ang clearing operations sa mga lugar na tulad ng Q-Mart sa Quezon City at Baclaran sa Pasay at Parañaque.

Walang number coding scheme sa Martes, dagdag ni Nebrija. - Anna Liza Villas-Alavaren