CAPAS, Tarlac - Tinarakan ng basag na bote sa dibdib ang isang menor de edad sa Barangay Sta. Lucia, Capas, Tarlac, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ng pulisya ang biktima bilang 16 taong gulang habang ang suspek ay si Arvin Caguiwa, nasa hustong gulang, kapwa residente ng Purok 5, Sitio Mangga, Kalye Bangal, Bgy. Sta. Lucia Capas, Tarlac.
Dakong 5:30 ng hapon umano habang nakikipag-inuman ang biktima sa mga kaibigan nito nang mapadaan ang suspek at tiyuhin nito at makipag-inuman.
Napikon umano si Caguiwa sa biktima dahil sa pang-aasar ng huli sa tiyuhin nito kaya sinaksak nito ang biktima gamit ang basag na bote.
Nahaharap ngayon sa kasong frustrated murder sa suspek. - Leandro Alborote