MANGATAREM, Pangasinan – Patay ang isang 70-anyos na lalaki makaraang masagasaan ng motorsiklo sa Barangay Andangin, Mangatarem, Pangasinan kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Norberto Dalag , 70, residente ng Bgy. Malabobo, Mangatarem, Pangasinan.

Dakong 5:10 ng gabi umano habang tumatawid ang biktima sa kalsada sa nasabing barangay nang mabundol ng motorsiklong minamaneho ni Dennis Pillos, 31.

Isinugod pa sa ospital ang biktima ngunit binawian din ng buhay. - Liezle Basa Inigo

Probinsya

Batang nabitawan ng ina matapos silang sumemplang sa motor, patay sa bangga ng bus!