Patay ang isang lalaki habang isa ang sugatan sa pagsabog ng isang granada sa Pikit, North Cotabato, dakong Sabado ng gabi.
Sa ulat ng Pikit Municipal Police Station (PMPS), namatay si Jamil Umraan matapos isugod sa ospital.
Nakilala naman ang sugatan na si Norodin Pacalna, residente ng Barangay Poblacion, Pikit.
Salaysay ni Supt. Bernard Tayong, tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office, hinagisan ng granada ng dalawang katao ang tindahan ni Pacalna habang sinasara niya ito. Malapit naman sa tindahan is Umraan.
Dinala ang dalawa sa Cruzado Medical Hospital.
Ito ang ikalawang pambobomba sa tindahan sa bayan ng Pikit. Kamakailan ay hinagisan din ng granada ang tindahan ng pamilya Guialel kung saan nasugatan sina Datu Esmael Guialel at Mohammed Montawal.
Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya sa pagsabog. - Fer Taboy