Calatagan, Batangas— Isang Grade 9 student ang naputukan sa daliri sa Calatagan, Batangas nitong Sabado.

Kinilala ang biktimang si Aivan Aguirre, 15, Grade 9 student at residente ng Barangay Lucsuhin.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 5:10 ng hapon umano nang maputukan ng piccolo ang kamay ng biktima dahil hindi kaagad naihagis nang sindihan.

Nilapatan ng lunas sa Calatagan Medicare Hospital ang biktima na nasugatan sa mga daliri. - Lyka Manalo

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito