KUNG walang magiging gusot, muling mapapanood si Justin Brownlee, ngunit hindi para sa crowd-favorite Ginebra San Miguel bagkus bilang import ng Tanduay-Alab Pilipinas sa kasalukuyang 7th Asean Basketball Leagie (ABL).
Lumutang ang pangalan ni Brownlee, nagdala sa Ginebra sa dalawang kampeonato, gayundin si Henry Walker para maiahon ang nalulunod na kampanya ng Tanduay sa liga.
Sa kasalukuyan, lungayngay ang Tanduay-Alas sa 1-3. Ang tanging panalo nila ay nbakuha sa pahirapang 78-61 desisyon kontra Formosa Dreamers ng Taiwan.
Posibleng palitan ni Walker, dating naglaro sa Boston Celtics at Blackwater sa PBA, si Reggie Okosa, habang apipisil naman si Brownlee na ipalit sa injured na si Ivan Johnson, dating Talk ‘N Text import na nay iniindang injury sa likod.
Kung walang aberya, makikita ang dalawa sa pagbabalik-aksiyon ng Alab sa Enero 3 laban sa Malaysian Dragons.