Gil at Ashley
Gil at Ashley
SA pagpasok ng Bagong Taon, bagong makakaaway ni Super Ma’am (Marian Rivera) ang mapapanood sa fantasy/action series ng GMA-7 na Super Ma’am. Nauna nang ipinakita si Gil Cuerva bilang si Xavier, boyfriend ni Kristy (Ashley Ortega) at isang zombie.

Natutuwa ang fans ni Gil na muli siyang mapanood sa primetime kahit guest role. Pero may mga nagreklamo rin dahil hindi nila makikita ang maamo at guwapong mukha ni Gil dahil naka-zombie make-up nga.

Two weeks daw ang guesting ni Gil sa Super Ma’am at ang wish na lang ng fans niya, may flashback scene sina Kristy at Xavier, kung paano sila nagkarelasyon at kung paano namatay si Xavier para makita nila ang normal na hitsura ni Gil.

Tsika at Intriga

Delikado mga pogi? Migs Bustos dumulog sa NBI, ginamit mukha sa 'love scam'

Wish din ng fans ni Gil na magkaroon ito ng eksenang kasama si Marian dahil sa mga naunang interview niya, nabanggit ng aktor na ang crush niyang Kapuso actresses ay sina Marian, Solenn Heussaff at Heart Evangelista and he would love to work with them. --Nitz Miralles