BALAYAN, Batangas— Naniniwala ang mga awtoridad na nabuwag na nila ang isang grupo na may operasyon ng ilegal na droga na idinadawit rin sa pagpatay sa isang intelligence officer matapos mapatay sa engkwentro ang tatlo sa mga suspek sa magkakahiwalay na engkwentro sa Batangas at Laguna.

Ayon kay Senior Inspector Allan De Castro, hepe ng pulisya sa Balayan, napatay noong Biyernes si Mark Louie Surwelos nang umano’y makipagsagupaan siya sa mga pulis sa Sitio Pabahay, Barangay Punta, Calamba City.

Si Surwelos umano ay isa sa mga suspek sa pagpatay kay SPO1 Brian De Jesus noong Mayo.

Kasama sa arrest warrant na inisyu ni Judge Cristino Judit ng Regional Trial Court Branch 10, Balayan ang mga suspek na sina Rodolfo Macalindong at Von Villanueva.

Probinsya

27-anyos sa Lapu-Lapu City natuli na, may ₱10k pa!

Si Macalindong, na tinaguriang No.1 na drug personality ng Balayan, ay napatay sa engkwentro sa bayan ng San Jose noong Hunyo.

Si Villanueva, na pangalawa sa mga high value target, ay napatay sa sagupaan sa Lipa City noong Disyembre 16.

Ayon kay De Castro, suspek din si Surwelos sa pagpatay sa pulis ng Agoncillo na si Roman Bejer sa bayan ng Bauan noong Hunyo.

May operasyon umano ang grupo sa mga bayan ng Balayan, Calatagan, Lian, Nasugbu, Tuy, Calaca, Lemery, Taal, at Lipa City. - Lyka Manalo