SAN JOSE, Tarlac- Sugatan ang dalawang katao makaraang maaksidente sakay ng motorsiklo sa Sitio Banguirek, Barangay Iba, San Jose, Tarlac, kamakalawa ng gabi.

Isinugod sa Tarlac Provincial Hospital ang mga biktimang sina Marlon Garote, 34, driver at angkas na si Jomarie Zacarriasy Morales, 14, kapwa residente ng Bgy. Burgos, San Jose, Tarlac.

Binabagtas noon ni Garote ang daan patungong Bgy. Iba nang mawalan ng kontrol sa motorsiklo at bumalandra sa kalsada. - Leandro Alborote

Probinsya

9-anyos na bata, patay sa rabies; aso, kinatay at kinain pa ng 30 katao