Cast ng ‘Hindi  Ko Kayang Iwan Ka’
Cast ng ‘Hindi Ko Kayang Iwan Ka’

PANALO ang naisip ng GMA-7 kung paano ipo-promote ang bagong Afternoon Prime ng network na Hindi Ko Kayang Iwan Ka na tumatalakay tungkol sa sakit na HIV-AIDS. Sumabak sa sexy pictorial ang main cast na sina Yasmien Kurdi, Jackie Rice, Martin del Rosario, Ina Feleo at Mike Tan. Nagpakita sila ng skin na patok sa netizens.

Sina Mike at Martin, nagpakita ng abs at sina Yasmien, Ina at Jackie, nagpakita ng cleavage at nagpasilip ng hita.

Tsika at Intriga

Francine bigla raw nawala sa line-up ng performers ng Marcos 107 free concert

Natawa kami sa nabasa naming post ni Yasmien na, #hindikokayangiwanka #SexyCalendarShoot oh pak! Laban! Sabeh? Hahahaha.

“Nagulat kami nu’ng pictorial namin, hindi kami nakapag prepare para dito...”

Sa nag-comment na sexy din naman siya at kayang makipagsabayan kina Ina at Jackie, ang sagot ni Yasmien, “nakoo ate hahahaha pinipilit ko lang talaga lumaban hahaha! ang sesexy nila.”

Kaya raw ganu’n ang concept ng pictorial para mas ma-highlight ang campaign sa HIV-AIDS awareness dahil advocacy serye itong Hindi Ko Kayang Iwan Ka. HIV patients ang role rito nina Yasmien at Martin at maraming matututuhan ang viewers ‘pag pinanood. Sa direction ni Neal del Rosario, this January 2018 na ang airing nito. Hintayin lang ang announcement ng GMA-7 sa exact date ng pilot.

Sa mga gustong magkaroon ng copy ng calendar, download the high-res version of the calendar at http://www.gmanetwork.com/HKKIKcalendar2018. --Nitz Miralles