Ni Nitz Miralles

Angelic at Judy Ann
Angelic at Judy Ann
SA January 17, 2018 na ang playdate ng Ang Dalawang Mrs. Reyes na pinagbibidahan nina Judy Ann Santos at Angelica Panganiban. Mahahabol pa naman yata ang billing nina Joross Gamboa at JC de Vera na kapareha nina Judy Ann at Angelica respectively.

Sa poster ng movie na inilabas ng Star Cinema, nasa ilalim ng pangalan nina Judy Ann at Angelica ang names nina Joross at JC. Pero, ang name ni JC ang nasa ilalim ng name ni Judy Ann at ang pangalan ni Joross ang nasa ilalim ng pangalan ni Angelica.

Tsika at Intriga

Payo ni Kabayang Noli sa aspiring journalists: ''Hindi dapat huli sa mga balita!'

Sa mga makakakita sa poster, aakalaing si JC ang partner ni Judy Ann at si Joross ang partner ni Angelica, gayong si Joross nga ang gumanap na asawa ni Judy Ann at si JC ang partner ni Angelica.

Naiparating na ng kampo ni Joross sa mga producer ng Ang Dalawang Mrs. Reyes ang tungkol dito, tingnan natin kung babaguhin pa ang posisyon ng pangalan nina Joross at JC bago mag-showing ang pelikula na idinirehe ni Jun Lana.