CAPAS, Tarlac - Pansamantalang naghihimas ngayon ng rehas ang isang truck driver makaraang mahulihan ng hinihinalang shabu sa Barangay Sto. Domingo 2nd sa Capas, Tarlac, nitong Biyernes ng hapon.

Nahulihan si Erwin Labra, 34, may asawa, ng Bgy. Dolores, Tarlac City, ng isang plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165). - Leandro Alborote

Probinsya

Bala ng baril at umano'y liham para sa mga bully, natagpuan sa building ng eskwelahan sa Bacolod!