PAGBILAO, Quezon – Arestado ang isang security guard makaraang magpaputok ng baril sa kasagsagan ng pakikipagtalo sa kapwa niya security guard, na ikinabulahaw ng mga residente sa Sitio Fori sa Barangay Talipan, Pagbilao, Quezon, kahapon ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Julius Irvin Tapalla Ayala, 30, security guard na nakatalaga sa Quezon-Department of Education (DepEd), at taga-Sitio Corsite sa nasabing lugar, habang ang bitkima ay si Pepito Palmes Dela Cruz Jr., 39, taga-Purok 2, Bgy. Dalahican sa Lucena City.

Bandang 12:56 ng umaga umano nang magtalo ang dalawang guwardiya na nauwi sa pagpapaputok ng baril ni Ayala.

Kinumpiska mula sa suspek ang isang .9mm caliber Norinco kasama ang isang walang lamang magazine at anim na basyo ng bala, at kakasuhan ng alarm and scandal for indiscriminate firing at grave threat. - Danny J. Estacio

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito