TRABAHO lang sina PCSO Chairman Jose Jorge E. Corpuz (kaliwa) at  PCSO general Manager Alexander F. Balutan para mas mapataas ang remittance ng ahensiya sa kawanggawa.
TRABAHO lang sina PCSO Chairman Jose Jorge E. Corpuz (kaliwa) at PCSO general Manager Alexander F. Balutan para mas mapataas ang remittance ng ahensiya sa kawanggawa.

NAGPALABAS ng karagdagang ayuda na P5.4 milyon ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)upang tustusan ang pangangailangan ng mga nabiktima ng mapanirang bagyong 'Urduja' sa Kabisayaan.

Ayon sa PCSO, may nauna nang P10 milyon ang naipamahagi sa iba’t ibang Local Government Units (LGU) para masustinihan ang pangangailangan ng mga nasalanta ng kalamidad.

Sinabi ni na Alexander Balutan at Jose George Corpuz, PCSO general manager and chairman, ayon sa pagkakasunod, na ang P5.4M ay dagdag ding tulong sa mga biktima ng bagyong “Vinta” na nanalasa sa lalawigan ng MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan); Regions VII, IX, X, XI, and XII; Autonomous Region in Mulim Mindanao (AARMM); CARAGA (Agusan Norte and del Syr, Surigao Norte and del Norte, and Dinagat Islands), and particularly Davao City, Davao Del Norte Province, Tagum City, Davao del Norte, Davao Occidental Province, Davao Oriental at Compostela Valley.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ayon kay Balutan, may hiwalay pang P3 milyon ang nirerepaso ng PCSO Board bilang tulong.

Ang naturang budget ay natipid umano sa naaprubahang budget para sa Christmas Party ng may 1,580 na empleyado ng ahensiya at kanilang mga pamilya.

“The financial assistance will be turned over to the officials of the local government units concerned for the purchase of blankets, mats, mosquito nets, hygiene kits, food packs, rice, canned goods, kitchen utensils, clothes, emergency first aid kits and drinking water,” pahayag ni Balutan.

“PCSO will always be ready to come to the aid of Filipinos who are victims of natural calamities,” ayon kay Corpuz.

Anila, mandato ng PCSO ang maghatid ng tulong medical sa sambayanan at ang kontrobersyal na isyu na ginagamit ng bagong board member na si Sandra Cam ay isa lamang urin ng paninira sa reputasyon ng ahensiya.

“The additional P5.4M shall be turned over to the concerned LGUs, to be coursed through the (PCSO) Branch Office with jurisdiction over the aforementioned provinces, which shall also be responsible for ensuring that the concerned beneficiary-LGUs shall comply with all obligations, including liquidation f the financial assistance granted,” pahayag ni Balutan.

Sa report, tatanggap ang Davao City ng PP2.5M; Davao del Norte, P1M; Tagum City, P.5M; Davao Occidental, P.2M; Davao Oriental, P.6M; and Compostela Valley, P.6M.