Meghan Markle
Meghan Markle

BINABALAK sana ng producers na kunin ang aktres na si Meghan Markle bilang Bond girl bago nabunyag sa publiko ang relasyon nila ni Prince Harry ng Britain.

Bago naging one-half ng isa sa world’s most headline-grabbing romances, si Meghan ay matagumpay na aktres, at gumanap sa mga pelikula at isa sa mga bida ng long-running hit U.S. TV show na Suits.

Nang kumpirmahin niya ang engagement nila ni Harry, ibinunyag ni Meghan na tatalikuran na niya ang pag-arte upang ilaan ang lahat ng kanyang panahon sa bagong royal at philanthropic pursuits. Ngunit ayon sa The Sun ng Britain, gusto sana siyang kunin ng producers ng James Bond franchise para gumanap sa susunod na 007 film, na tinatawag ngayong Bond 25, kasama si Daniel Craig bilang ang suave spy.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

“Meghan fits the role of a Bond girl perfectly. She’s glamorous and sexy and a good actress,” sabi ng source sa pahayagan. “The role more recently has gone to actresses deemed to be rising stars, and Meghan certainly was seen as that before her relationship with Harry became public.

“The brief was to find a glamorous rising star, specifically someone American or Canadian.”

Idinagdag ng insider na bukod kay Meghan ay kabilang din sa shortlist ang Baywatch actress na si Ilfenesh Hadera, 32, at tatlong iba pang pangalan.

“But the minute her relationship to Harry came to light they assumed she was out of the running so it soon became a list of four,” dagdag ng source. “Her engagement effectively spelt an end to her acting career too so that was the final blow.”

Katatapos lamang magdiwang ni Meghan ng Pasko kasama si Harry at royal relatives nito sa Sandringham House, at walang duda na sasalubungin niya ang 2018 na kasama rin ang kanyang fiancé.

Sa isang blog post sa ngayo’y defunct na niyang lifestyle website na The Tig noong 2016, ibinahagi ni Meghan ang kanyang New Year’s resolutions, at inamin na paulit-ulit lamang ito bawat taon.

“Stop biting my nails. Stop swearing,” saad niya. “These make my New Year’s resolution list nearly (AKA actually every) single year. The swearing comes in lulls triggered by being overworked or feeling mighty cheeky after a couple drinks. And when it comes to the biting of the nails – well, it still happens with a turbulent flight or a stressful day.

“It’s unladylike. But then again, so is the swearing. Dammit.” - Cover Media