Jennifer Hudson
Jennifer Hudson
Nangangalap ng pondo si Jennifer Hudson habang umaawit ang mga wannbes sa The Voice U.K.

Magbabalik si Jennifer sa spinning red chairs sa pagbabalik ng serye sa Enero 2018, kasama ang kapwa hurado na sina Tom Jones, will.i.am at bagong mentor na si Olly Murs.

Habang abala si Jennifer sa paghahanap ng mga bagong talentadong mang-aawit sa show, nais din ng reigning champion na makakalap ng pondo para sa charity.

“A fan gave it to me in America,” aniya nang ipakita ang kanyang collection plate, ayon sa The Sun. “She said every time I sing, I take everyone to church and then she gave me a collection plate.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“I said I would take it with me to The Voice UK. In church, we take up a collection after the choir sings. So if the acts have sung exceptionally well, I feel the need to get up and take a collection from the audience... Of course, any money collected will go to charity.”

Sa kabila ng kanyang magandang intensiyon, hirap ang singer na makaipon, kaya kailangan niya ng tulong sa pamamagitan ng mga donasyon.

“I have no idea what the money is! I have travelled all across to the U.K. and I still can’t figure it out,” patawa niyang sabi. “It’s fancy currency!”

Si Jennifer, na sumikat bilang finalist sa American Idol noong 2004, ay nag-debut sa Voice U.K. ngayong taon, at ang kanyang kandidita na si Mo Adeniran ang tinanghal na kampeon.

“I definitely think my team can win again this year,” saad niya. “I am still passionate about the contestants and I feel that is what helped us win last season. The passion will never die.” - Cover Media