Ikinatuwa ng mga pari ang pagdeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Disyembre 8 ng bawat taon bilang isang special non-working holiday na handog ng bansa sa Banal na Ina lalo na ngayong Pasko.

“That is indeed a very good and inspiring news. With this Christmas season it is a beautiful and lasting gift of our country to our Blessed Mother,” ipinahayag ni Balanga Bishop Ruperto Santos.

Nalulugod din si Sorsogon Bishop Arturo Bastes sa deklarasyon ng Pangulo. “Wonderful! It is a pleasant surprise!” aniya.

Ayon kay Bastes, ipinakita ng deklarasyon ni Duterte kung gaano nito kamahal ang kanyang ina.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

“His mother was a devout Catholic, and he loves his Mama very much,” ani Bastes.

Nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Disyembre 28 ang Republic Act 10966 para sa paggunita sa Feast of the Immaculate Conception. - Leslie Ann G. Aquino