Myanmar opposition leader Aung San Suu Kyi (L) and U2 singer Bono (DANIEL SANNUM LAUTEN / AFP)
Myanmar opposition leader Aung San Suu Kyi (L) and U2 singer Bono (DANIEL SANNUM LAUTEN / AFP)

NANAWAGAN ang U2 frontman na si Bono, nangungunang tagakampanya ni Myanmar leader Aung San Suu Kyi noong naka-house arrest pa ito na magbitiw na dahil sa madugong kampanya laban sa Rohingya Muslims.

Sinabi ng singer – na dinakila si Suu Kyi sa awiting Walk On ng U2 noong 2000, at hinikayat ang fans na magsuot ng maskara ng noo’y opposition leader nang itanghal ito nang live ng banda – na siya ay “nauseated” o nasusuka sa mga imahe ng pagdanak ng dugo at refugee crisis.

“I have genuinely felt ill, because I can’t quite believe what the evidence all points to. But there is ethnic cleansing,” aniya sa latest issue ng Rolling Stone magazine.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“It really is happening, and she has to step down because she knows it’s happening,” ani Bono,

Nang hingan ng komento sa panayam na isinagawa ng Rolling Stone founder na si Jann Wenner, sinabi ni Bono na: “She should, at the very least, be speaking out more. And if people don’t listen, then resign.”

Inilarawan din ng United Nations at ng United States na ethnic cleansing ang kampanya ng Myanmar laban sa stateless, mostly Muslim na mamamayang Rohingya.

Sinabi ng Doctors Without Borders na halos 6,700 Rohingya ang pinaslang sa unang buwan ng inilunsad na pagtugis sa mga pamayanan bilang ganti sa pag-atake ng mga rebelde. Karagdagang 655,000 Rohingya ang tumakas patungo sa katabing Bangladesh.

Si Suu Kyi, winner ng 1991 Nobel Peace Prize, ay nagtamasa ng malawak na suporta ng celebrities sa loob ng dalawang dekada niyang house arrest sa kautusan ng military junta ng Myanmar.

Ang transition ng Myanmar sa demokrasya at ang pag-angat ni Suu Kyi noong nakaraang taon bilang de facto leader ay ikinatuwa noong una ng human rights groups, ngunit nagagalit ngayon sa pananahimik niya sa kampanya laban sa Rohingya.

Naniniwala ang ilang eksperto na nag-iingat lamang si Suu Kyi na hindi makagawa ng pagkamali sa pagsasalita dahil ang Rohingya ay hindi itinuturing na mamamayan ng karamihan sa Buddhist-majority Myanmar, at hindi niya kontrolado ang militar.

Sinabi ni Bono na posibleng ang katwiran ni Suu Kyi ay: “Maybe it’s that she doesn’t want to lose the country back to the military. But she already has, if the pictures are what we go by, anyway.”

Nitong unang bahagi ng buwan, binawi ng Dublin, bayang sinilangan ni Bono, ang city award na ibinigay kay Suu Kyi bilang protesta sa kawalan niya ng aksiyon sa karahasan. - AFP