PAWANG nagpamalas ng kahusayan at katatagan ang mga international fighter sa buong taon ng ONE Championship. Ngunit, may mangilan-gilan na masasabing tunay na umukit ng marka para sa mga tagahanga ng mixed martial arts.

belingon copy

Ang mga pambatong fighters ay kahanga-hanga hindi lamang sa kanilang determinasyon, bagkus sa pagsabak na higit pa sa inaasahan ng bayan.

Narito ang limang natataging martial artists na tunay na yaman ng ONE Championship.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

#5) Aung La N Sang: Itinuturing na pinakamatagumpay na fighter sa kasaysayan ng ONE si Aung La N Sang ng Myanmar.

Dahil sa kanyang bagsik sa ibabaw ng octagon, tinagurian siyang “The Burmese Python”. Taglay niya ang 12 panalo na pawang natapos sa submission.

#4) Christian Lee: Si Christian “The Warrior” Lee ang pinakabatang kampeon at kapatid ni reigning ONE Women’s Atomweight World Champion “Unstoppable” Angela Lee. Sinimulan niya ang career sa matikas na pamamaraan tungo sa pagsikwat ng limang sunod na panalo. Napabantog siya sa panalo laban sa mas beteranong karibal, kabilang si Chinese stalwart Wan Jan Ping sa ONE: KINGS OF DESTINY sa Manila at ang top featherweight na si Keanu Subba ng Malaysia na tinalo niya via third-round submission sa ONE: QUEST FOR GREATNESS sa Kuala Lumpur, Malaysia.

#3) Kevin Belingon: Ipinagmamalaki ng pamosong Team Lakay ng Baguio City, si Kevin “The Silencer” Belingon ang isa sa pinakaaabangang fighter at pinakamahusay sa Pinoy MMA taglay ang pro mark na 16-5.

Taglay niya ang kakaibang pamamaraan sa octagon at isa sa kinatatakutan sa bantamweight class. Matapos ang kabiguan kay reigning ONE Bantamweight World Champion Bibiano “The Flash” Fernandes noong Enero, nagtuloy-tuloy na ang panalo ni Belingon.

#2) Alex Silva: Ang 35-anyos na si Alex “Little Rock” Silva ang kasalukuyang ONE Straweight champion nang gapiin ang dating walang talo na si Yoshitaka “Nobita” Naito.

#1) Martin Nguyen: Si Martin “The Situ-Asian” Nguyen ng Sydney, Australia ang sinasabing ‘most talented martial artists in the world’ sa kasalukuyan. Dinudumog ng mga tagahanga ang bawat laban ng Vietnamese-born Australian.

Tangan niya ang 10-1 marka sa ONE FC.