Ni GILBERT ESPEÑA
NAISAMA ng five-year-old Philippine chess wizard na si Princess Mae Orpiano Sombrito sa kanyang listahan ng tagumpay ang 9th Governor Amado Espino Cup Open Chess tournament, matapos niyang masikwat kamakailan ang titulo bilang Pangasinan top scorer sa five years old and below sa kategorya na kiddie 14 year old and below mixed boys and girls division sa Provincial Training and Development Center sa Lingayen, Pangasinan.
Ito ang ikalawang tagumpay ni Sombrito, na Kinder 2 pupil ng Calanutan Elementary School sa Rosales , Pangasinan na nagsimula lamang maglaro ng chess noong Oktubre 2, 2017 mula sa marubdob na pagsasanay ni chess coach/trainer Rosulo Vigilia Cabusora Jr., kung saan nakaipon siya ng 3.5 puntos sa torneo.
Nito lamang Nobyembre nakitaan ng potensiyal ang anak ng mag-asawang Dominador Nava Sombrito at Jaqueline Orpiano Sombrito matapos niyang talunin ang mas nakakatanda niyang mga kalaban sa kiddie 12 year old and below mixed boys and girls division tungo sa pagkamada ng 3.5 puntos sa pitong laro.
Tangka ni Sombrito na sundan ang yapak ng kanyang iniidolong si Woman Fide Master Samantha Glo Revita na taga-Rosales, Pangasinan din at ilang beses na nagkampeon sa larangan ng chess sa pandaigdigang kompetisyon, gaya ng ASEAN Age Group at Asian Youth Chess tourneys.
Isa sa pinagtutuunan ng pansin ni Cabusora ang Physical at Strength Condition ni Sombrito sa paglalaro ng basketball.
Kasama rin sa pagpapawis ni Sombrito ang pagsayaw at pagkanta.
“Target namin na masundan ni Princess Mae ang achievement ni idol niyang si Sam (Revita),” ani Cabusora.
“Makatutulong ang magandang kondisyon ng kanyang katawan sa chess career niya.”