Ni Gilbert Espeña

TIYAK nang bibitiwan ni WBO Super Flyweight World Champion Naoya “Monster” Inoue ang kanyang korona matapos ang depensa laban sa No. 7 contender na si Yoan Boyeaux ng France sa Sabado ng gabi, kaya malaki ang pagkakataon na isang Pilipino ang lumaban para sa mababakanteng titulo ng Hapones.

Tiniyak ni Inoue na magtatagumpay siya sa depensa laban kay Boyeaux sa lungsod ng Yokohama, sa Kanazawa, Japan kaya tiyak nang magsasagupa para sa bakanteng titulo sina No. 2 Rex Tso ng Hong Kong at No. 3 Aston Palicte ng Pilipinas, dahil ang No. 1 contender na si Juan Francisco Estrada ng Mexico ay nakatakda nang sumagupa kay WBC super flyweight titlist Srisaket Sor Runvisai ng Thailand sa Pebrero 24 sa The Forum, Inglewood, California sa Estados Unidos.

May perpektong kartada na 14 panalo, 12 sa knockouts ang 24 anyos na si Inoue na nag-aambisyong kunin ang belt ni WBO bantamweight titlist Zolani Tete ng South Africa sa unang bahagi ng 2018.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tiniyak naman ng 29-anyos na si Boyeaux na mas may karanasan siya sa fighting record na 41-4-0 win-loss-draw, na may 26 na pagwawagi sa knockouts, kaya posibleng ma-upset niya si Inoue.

“This may be my last defense as 115-pound world champion. My physical and mental condition is very best, and I believe I’ll be able to show a very good performance. Next year I’d like to try to acquire my third world belt,” sabi ni Inoue sa Fightnews.com.

Sagot naman ni Boyeaux: “I’m ready. I wish to demonstrate an intelligent performance to surprise Japanese boxing fans.”

Pagkatapos ng sagupaan, inaasahan naman na ihahayag ng WBO ang sagupaan nina Tso at Palicte na posibleng maganap sa Macau, China o sa Amerika sa unang bahagi rin ng taon.