NEW ORLEANS (AP) — Nailista ni Dennis Smith Jr. ang unang career triple-double, habang naitarak ng Dallas Mavericks ang franchise-record 22 three-pointers sa 128-120 panalo kontra New Orleans Pelicans, nitong Biyernes (Sabado sa Manila).
Naisalansan ni Smith ang 21 puntos, 10 rebounds at 10 assists, tampok ang 5 of 7 sa 3-point range at 8 of 12 sa field. Nag-ambag si Wesley Matthews ng 18 puntos, tampok ang 4 of 7 sa 3-pointers at kumubra si Devin Harris ng 5 of 7 3-pointers para sa 17 puntos para sandigan ang Dallas sa ikatlong sunod na panalo.
Nag-ambag si Dwight Powell ng 15 puntos, habang kumubra sina J.J. Barea ng 14 puntos at sina Harrison Barnes at Dirk Nowitzki na may tig 13 puntos.
Nanguna si Anthony Davis sa Pelicans na may 33 puntos, habang tumipa si DeMarcus Cousins ng 32 puntos at 20 rebounds, Jrue Holiday na may 23 puntos at E’Twaun Moore na may 16 na puntos.
Naisalpak ng Mavericks ang 13 of 18 3-pointers sa halftime, sapat para makuha ang 17 puntos na bentahe.
HORNETS 111, WARRIORS 100
Sa Oakland, California, nakubra ni Dwight Howard ang season-high 29 puntos para sandigan ang Charlotte Hornets sa ikatlong panalo sa road game at kontra sa defending champion Golden State Warriors.
Dumating ang Hornets sa Oracle Arena na may mababang 2-12 record sa road game, tampok ang apat na sunod. Laban sa Warriors, matikas na nakihamok ang Hornets, sa pangunguna ni Howard na may nahugot ding 12 rebounds players scored in double figures, led by Howard, who also at pitong assists. Nag-ambag si Kemba Walker ng 16 na puntos.
Nanguna si Kevin Durant na may 27 puntos, habang kumubra si Klay Thompson ng 24 na puntos sa Warriors na sumabak na wala si Stephen Curry na nagpapagaling sa tinamong sprained ankle. Ito ang ikalawang kabiguan ng Warriors sa huling15 laro at 9-2 karta na wala si Curry.
Nag-ambag si Draymond Green ng walong puntos, 11 rebounds at career high 16 assists.
Naghabol ang Warriors sa kabuuan nang laro at nabigong maagaw ang momunte, sa pursigidong karibal.
Samantala, sinabi ni coach Steve Kerr na malaki ang posibilidad na makalaro si Curry laban sa Memphis Grizzlies Sabado ng gabi (Linggo sa Manila).
“I would say most likely he’ll play,” sambit ni Kerr. “We had a talk with him and he was feeling good. So we’ll see how he’s feeling (Saturday) morning.”
SUNS 111, KINGS 101
Sa Sacramento, Calif., nakabawi si Devin Booker sa malamyang simula at maibuslo ang 12 sa kabuuang 26 puntos sa huling limang minuto ng laro para sandigan ang Phoenix Suns kontra Sacramento Kings.