Ni GILBERT ESPEÑA

SA dalawang mabigat na laban na napagtagumpayan ni IBF Light Flyweight Champion Milan Melindo ng Pilipinas ngayong 2017, magtatangka siyang umiskor ng malaking panalo bago pumasok ang 2018 sa pagsabak kay Japanese WBA light flyweight titlist Ryoichi Taguchi bukas sa Ota-City Gymnasium sa Tokyo, Japan.

melindo copy

Kung mananalo, awtomatiko siyang kandidato bilang “Fighter of the Year” ng IBF dahil una niyang tinalo si three-division world champion Akira Yaegashi ng Japan via 1st round knockout at multiple-world titlist Hekkie Budler ng South Africa sa 12-round split decision para mapaganda ang kanyang kartada sa 37-3-0, na may 13 pagwawagi sa knockouts.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Hindi pipitsuging kalaban si Taguchi na kabilang sa “hometown world boxing champions” ng Japan at napanatili ang kanyang korona mula noong 2014 taglay ang rekord na 26-2-2, na may 12 panalo sa knockouts.

Mahalaga kay Melindo ang IBF/WBA world unification championship dahil mapatutunayan niya ang kakayahang maging undisputed light flyweight champion sa buong mundo.

“Kaya hinihiling ko po sa lahat ang inyong dasal para manalo ako sa aking laban sa Linggo ng gabi,” ani Melindo.

“Para po sa ating bansa ang laban kong ito!”

Para naman sa dating boksingero at trainer ni Melindo na si Edito Villamor, determinado ang ALA fighter na maging undisputed champion.

“It’s amazing how he’s (Milan) improved. You can see he’s pouring out everything he has to make his dreams come true,” sabi ni Villamor sa Boxingscene.com. “We’re right now focusing on his mental readiness, reviewing our game plan again and again, so he won’t forget what we’ve trained for the past months.”

“He’s ready to take anyone in his path to reach his goal. He wants to make history and he wants to do it now. We can see how badly he wants it. There’s no turning back,” dagdag ni Villamor.