Nina AARON RECUENCO, MADELYNNE DOMINGUEZ, FER TABOY, at BETH CAMIA

Sinibak sa puwesto ang hepe ng Mandaluyong City police at ang 10 nitong tauhan sa lumalabas na palpak na pagresponde na ikinamatay ng dalawang katao, kabilang ang sugatang biktima na nakatakdang isugod sa ospital.

Ayon kay Director Oscar Albayalde, hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO), ang pagsibak kay Senior Supt. Moises Villaceran, Jr. ay para sa command responsibility sa paggulong ng imbestigasyon kaugnay ng kontrobersiyal na shooting incident sa Shaw Boulevard nitong Huwebes ng gabi.

NCRPO Regional Dir. Gen Oscar Albayalde, talsk to the 10 memebrs of the Mandaluyong Police after getting invovled in a misencounter along Shaw Blvd, Decemebr 29 2017, that resulted tot he death of 2 individuals. According to investigation, a woman, identified as Jocelyn Ambaon, was shot in Addition Hills earlier that night, and the men in the vehicle brought the woman and her companions into their vehicle in an attempt to  A barangay watchman or tanod followed them, thinking they were involved in the shooting, and relayed the same information to the police. The miscommunication appeared to have led to the shootout. (Mark Balmores)
NCRPO Regional Dir. Gen Oscar Albayalde, talsk to the 10 memebrs of the Mandaluyong Police after getting invovled in a misencounter along Shaw Blvd, Decemebr 29 2017, that resulted tot he death of 2 individuals. According to investigation, a woman, identified as Jocelyn Ambaon, was shot in Addition Hills earlier that night, and the men in the vehicle brought the woman and her companions into their vehicle in an attempt to A barangay watchman or tanod followed them, thinking they were involved in the shooting, and relayed the same information to the police. The miscommunication appeared to have led to the shootout. (Mark Balmores)

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“I ordered the administrative relief of the chief of police and the 10 other police officers who responded during the incident,” said Albayalde in a statement.

“Immediately after the incident, I ordered for all the police involved to be held in restrictive custody. Their case will be independently investigated by the Internal Affairs Service,” dagdag niya.

Kinilala ang 10 sinibak na tauhan ni Villaceran na sina S/Insp. Vasquez, PO2 Nel Songalia, PO1 Jave Arrellano, PO1 Tito Danao, PO1 Bryan Nicolas, PO1 Julius Libuyen, PO1 Mark Castillo, PO1 Alberto Buag, PO1 Kim Tinbusay, at PO1 Alfred Urbe.

Sinabi ni Albayalde na lumalabas na mayroong pagkakamali sa pagresponde ng mga pulis na mas pinalala sa pagpapaulan nila ng bala sa sasakyan na inakala nilang getaway vehicle ng armadong sangkot sa naunang pamamaril na ikinasugat ni Jonalyn Ambaan.

ANO ANG NANGYARI?

Una na umanong binaril si Ambaan ng LPG delivery man nang tangkain nitong payapain ang gulo sa kanilang lugar sa Barangay Addition Hills.

Agad humingi ng tulong ang mga kamag-anak ni Ambaan sa mga trabahador ng isang construction site sa ‘di kalayuan, upang isugod siya sa ospital. Isinakay si Ambaan sa puting asian utility vehicle (AUV).

Ngunit habang papunta silang ospital, niratrat sila ng grupo ng barangay security officers na inakalang getaway vehicle ang sasakyan.

Sa kabilang banda, sinabi ni Albayalde na nasa kustodiya na ng pulisya ang apat na suspek kaugnay ng unang pamamaril na naging sanhi ng pagkasugat ni Ambaan.

MALING IMPORMASYON

Sinasabing ang mga barangay security officers ang nagbigay ng maling impormasyon sa mga rumespondeng pulis sa pagsasabing ang puting sasakyan, na kinalululanan ni Ambaan, ay getaway vehicle.

“They were told that those in the vehicle were armed, that is why they fired at it,” sabi ni Albayalde.

Bilang resulta, si Ambaan na sugatan na sa unang insidente ay tinamaan uli ng mga bala at namatay. Namatay din ang kasama niyang si Jomar Hawayon.

Dalawa pang katao na sakay sa AUV—sina Eliseo Aluad at Danilo Santiago, Jr.— ang sugatan at isinugod sa pinakamalapit na ospital.

PARAFFIN, BALLISTIC TESTS

Hiniling na ng mga imbestigador ang paraffin tests ng 10 pulis, kabilang ang team leader, female police officer na may ranggong kapantay ng kapitan, upang malaman kung sino sa mga ito ang nagpaputok ng baril.

IMBESTIGASYON TINIYAK NG MALACAÑANG

Kaugnay nito, tiniyak ng Malacañang ang malalimang imbestigasyon sa insidente.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, lumalabas na sobra ang ginamit na puwersa ng police authorities na namaril sa maling mga target.