Ni Rommel P. Tabbad

Niyanig ng halos 6.0 magnitude na lindol ang bahagi ng Davao Occidental kahapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong 1:20 ng umaga nang maitala ang 5.7 magnitude na lindol sa karagatan o sa layong 311 kilometro sa silangan ng Sarangani.

Aabot din sa 42 kilometro ang lalim ng pagyanig, na tectonic ang pinagmulan.

Probinsya

Tatay na patungo sanang Negros para sa anak na may sakit, nawawala!

Walang naitalang nasalanta sa pagyanig, na inaasahang lilikha pa ng aftershocks.