Ni Argyll Cyrus B. Geducos

Hinimok ni Pangulong Duterte ang publiko na ipagpatuloy ang mga nasimulan ni Dr. Jose Rizal sa pagsusulong ng pinag-ibayong Pilipinas.

Sa kanyang mensahe para sa ika-121 anibersaryo ng pagkamartir ng ating Pambansang Bayani, umapela si Duterte sa mga Pinoy na kilalanin at huwag sayangin ang pagsasakripisyo ni Rizal, at isabuhay ang pagiging makabayan nito.

“May we take this occasion as an opportunity to recognize Dr. Rizal’s ultimate sacrifice for the sake of our country,” sabi ni Pangulong Duterte. “Let us reflect on his patriotism as we strive to continue his work of building a more united, peaceful, and prosperous Philippines.”

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Sa kanyang mensahe, kinilala rin ng Presidente ang mga nobela ni Rizal bilang inspirasyon sa pagkamulat ng mga Pilipino sa ating pambansang pagkakakilanlan mahigit isang siglo na ang nakalipas.

“During the dark chapter in our nation’s history, his writings served as the light that guided our forebears in the fight for genuine equality and independence,” ani Duterte.

Kinilala rin ng Pangulo ang mga pagsisikap ni Rizal upang kondenahin ang mga kamalian sa lipunan na patuloy na gumigiyagis sa ating bansa hanggang ngayon.

“As an author and as a scholar, he denounced the corruption, greed, and other social ills that up to this day continue to plague our society,” sabi ni Duterte. “Even in death, he imparted upon us his aspirations for a nation that is free from the scourge of injustice, tyranny, and suffering.”

Nakatakdang pangunahan ng Pangulo ngayong Sabado ang paggunita sa ika-121 anibersaryo ng kamatayan ni Rizal sa Rizal Park sa Maynila. Ang tema ngayong taon ay “Rizal 2017: Mabuting Kaisipan, Susi sa Kaunlaran.”