Ni Nora Calderon

DECEMBER 30, 2014 ang mala-royal wedding nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Cathedral of Immaculate Conception sa New York, Cubao, Quezon City. 

MMarian, Dingdong at Zia copy

November 23, 2015, isinilang ni Marian ang unica hija nilang si Letizia Gracia Dantes. Kaya lalong sumaya ang buhay ng mag-asawa dahil lumalaking very sweet at madaldal si Zia. Hindi umaalis ang mag-asawa, here and abroad, na hindi nila kasama si Zia.

KILALANIN: Bikolanang kakanta ng pambansang awit sa SONA 2024

Kaya nga after Christmas, December 26, sama-sama muli silang mag-anak, kasama ang family ni Dingdong at family ni Marian, papuntang Siargao at tiyak na doon na magdiriwang ng mag-asawa ng kanilang third anniversary. Biro nga sa kanila, doon na ba susundan si Baby Zia?

Bago umalis ang mag-asawa, nag-live video muna sina Dingdong at Marian para sa kanilang fans at mga kaibigan, at free silang magtanong sa mag-asawa. Isa nga sa tanong sa kanila ay kung paano nila napananatiling maayos ang pagsasama nila kahit pareho silang busy sa kani-kaniyang work ngayon, si Dingdong, sa shooting ng movie with Anne Curtis for Viva Films at si Marian, sa taping ng Super Ma’am.

“Hindi namin kinalilimutang gawin pa rin ni Marian ang mga nakagawian na namin tulad ng humahanap kami ng oras na magkasama kami lamang dalawa,” sagot ni Dingdong. “Hindi naman dahil busy na kayo pareho, wala na kayong time para sa isa’t isa. Importante ‘yon sa pagsasama ng mag-asawa.

Ano naman ang wish ni Marian para kay Baby Zia?

“Gusto namin ni Dong, lumaki siyang mabait at masayahin,” sagot ni Marian. “Siya ‘yong batang hindi lumaking iyakin, lagi siyang masaya at mapagmahal sa lahat ng tao, kahit hindi niya kilala, nginingitian niya. Kaya nga hindi ko matagalan na hindi ko siya kasama.”

Cute nga ang caption ni Dingdong sa picture nilang magkakasama na, “Three years of celebrating Christmas with the baby on my right and about a decade with this other baby on my left. (Seven years munang naging magkasintahan sina Dingdong at Marian bago nagpakasal).