Sumikat ang Australian actor sa Hollywood nitong mga nakaraang taon, at isa na ngayon sa most bankable stars sa show business.
Nakatira si Chris malapit sa beach sa Byron Bay, New South Wales at dahil maaaring maapektuhan ng araw at surfing ang kanyang balat, ibinunyag niya na gumagamit siya ng Creme de la Mer Moisturizing Cream, nagkakahalaga ng $170 ang 30ml, para mapanatiling wrinkle-free ang mukha.
“I spend a lot of time outdoors and love surfing so my skin takes a bit of a battering from the elements,” aniya sa U.K. Marie Claire magazine. “My wife (Elsa Pataky) got me into Creme de la Mer Moisturizing Cream a while ago and I’ve been using it ever since, as keeping my skin hydrated makes it feel healthier.”
Napakamahal nga naman ng Creme de la Mer products, kaya’t gumagamit din si Chris ng hindi gaanong kamahalang produkto. Hindi kinakaligtaan ng Thor: Ragnarok star ang sunscreen tuwing nagtutungo sa dagat at isang oil na makikita sa kusina kapag masyadong dry ang kanyang balat
“I always use a high-factor SPF, too, such as Banana Boat. If it’s really hot weather, coconut oil is my go-to as it stops my skin feeling dry, and you can use it anywhere – hands, feet and hair,” sabi ng 34-anyos.
Bagamat tila eksperto na si Chris pagdating sa skincare at grooming, inamin niya na paminsan-minsan ay sinisilip pa rin niya ang mga bagong moisturising goodies sa bathroom cabinet ng kanyang actress wife – na ikinaiinis nito.
“We both have our own area of the bathroom but sometimes I’ll pinch something from her side. I’ll happily be slathering something all over and then she’ll come in and be like, ‘What are you doing? That’s a $500 cream!’” nakangiting sabi niya.- Cover Media