Ni REGGEE BONOAN

CURIOUS kami kung bakit Meet Me in St. Gallen ang titulo ng pelikula nina Carlo Aquino at Bela Padilla mula sa Spring Films na idinirehe ni Irene Villamor na direktor ng pelikulang Camp Sawi (2016).

Carlo at Bela copy

Base sa trailer ng pelikula, parehong coffee lover ang dalawang bida kaya palaging sa coffee shop nagkikita at ang pangalang ginagamit ni Bela ay Katy Perry at ang tawag naman ng dalaga kay Carlo ay Rockstar gayong Jesse ang pangalan ng karakter ng aktor.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Parang iikot ang kuwento sa one-night stand na nagustuhan ng dalawa pero sa hindi pa natin nalalamang dahilan ay hindi sila napunta sa seryosong relasyon, kaya naghiwalay. Pagkalipas ng maraming taon ay muling nagtagpo sina Katy Perry at Rockstar sa coffee shop na paborito nila at tila naulit ang isang gabing ligaya.

Maaaring pagkalipas ng ilang gabing ligaya nina Carlo at Bela ay napag-usapan nila na kung seryoso na sila sa nararamdaman nila ay magkita sila sa St. Gallen.

Ang St. Gallen ay matatagpuan sa bansang Switzerland at nag-shoot nga doon ang dalawa na natapat na winter kaya naman parehong nakabalot sina Carlo at Bela habang naglalakad habang umuulan ng snow.

Nagandahan kami sa trailer ng Meet Me in St. Gallen dahil pa-mysterious effect tulad ng Kita Kita (na Spring Films din ang nagprodyus at pinagbidahan nina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi) na patikim-tikim lang muna ang teaser sa una at noong malapit nang ipalabas ay saka lang itinodo ang trailer.

Na-curious ang tao sa Kita Kita, ang local indie film na pinakamalaki ang kinita sa kasaysayan.

Ang tanong, mapantayan o malampasan kaya ng Meet Me in St. Gallen ang kinita ng Kita Kita na parehong Spring Films ang producer? Ang tarush from Seoul, Korea to St. Gallen, Switzerland na.

Kailan kaya ito ipalalabas? Gusto na agad naming mapanood.