MABIBIGYAN ng maagang pagsasanay ang Pinoy rowers bilang paghahanda sa kanilang pagsagwan sa Asia Cup, isang test event para sa 2018 Asiam Games na nakatakda sa Palembang, Indonesia.

Sinabi ni Philippine Rowing Team head coach Edgardo ¬Maerina na sasagwan ang mga Pinoy rower sa limang event sa torneong lalahukan din ng pitong bansa, ang Chinese Taipei, Hong Kong, Malaysia, Singapore, Vietnam, Thailand, Philippines at host Indonesia.

Sasabak para sa Team Philippines sina Nestor ¬Cordova at Roque -Abala Jr. sa men’s double sculls, Ramil Lamban at Chris Nievarez sa lightweight men’s double sculls, Ariane Joy Snyder at Joanie -Delgado sa light wo¬men’s double sculls.

Si Nievarez ay sasagwan sa men’s single sculls habang sina Delgado at Snyder sa light women’s single sculls.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!