NANGUNA sina Ariel Flora at Hiyasmin Zambrano sa isinagawang Police Regional Office-Cordillera ‘Padyak sa Pagbabago 2017’ kamakailan sa La Trinidad, Benguet.

Ratsada si Flora, 18, ng La Union Province, sa men’s division laban kina Russel Bautista ng Baguio City at Reynan Garringo sa torneo na nilahukan ng 305 siklista mula sa La Trinidad, Benguet, Kalinga, Ifugao, Baguio, Apayao, La Union, Abra at iba pa.

Nakuha naman ni Zambrano ang women’s title, habang itinanghal na oldets biker si Crispin Gayagay, 59, at youngest participant naman ang 16 anyos na sina Maurice Tay-oc at Shariff Ibay.

Pinakawalan ang pedalan sa La Trinidad Municipal Police Station compound na nagwakas sa PRO-Cor headquarters sa Camp Bado Dangwa at ang mga nakalap na pondo mula rito’y gugugulin sa rehabilitasyon ng mga dating nalulong sa bawal na droga.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ginawaran naman ng P10,000 bawat isa ang mga benepisyar-yong mga kinabibila¬ngan ng Rehabilitation and Transformation Center sa Apayao, Clean Life Community-Based Rehabilitation Program for drug surrenderees sa Mountain Province at Shalom sa Kalinga.

“The event is parti¬cipatory and non-competitive which aims to raise funds to help the Cordillera’s community-Based rehabilitation program for the former drug users and also geared towards bringin¬g awareness to a healthier lifestyle and attaining a stronger sense of camaraderie among the participants,” pahayag ni Cordillera police director C/Supt. Elmo Francis Sarona.