Ni Rommel P. Tabbad

Binabantayan ngayon ng weather bureau ang posibleng isa pang bagyong papasok sa bansa bago magpalit ang taon.

Ayon kay Aldczar Aurelio, weather specialist ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang namataang cloud cluster sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) ay maaaring mabuo bilang low pressure area (LPA) hanggang maging ganap na bagyo bago mag-Bagong Taon.

Inaasahang magiging LPA ito bukas, Sabado.

Eleksyon

Siwalat ni Imee: 'Ang gobyerno ngayon ay hindi Marcos. Ang gobyerno ngayon Romualdez at Araneta'

“Diyan pa lang malalaman kung posible itong maging bagyo,” sabi ni Aurelio.

Sa ngayon, aniya, makararanas ng pag-ulan ang silangang bahagi ng Southern Luzon at Visayas, habang maaapektuhan naman ng northeast monsoon ang hilaga at gitnang Luzon, samantalang thunderstorms naman ang makaaapekto sa Mindanao area.