Ni LITO T. MAÑAGO
TANGING ang horror film na Haunted Forest ng Regal Entertainment nina Mother Lily at Roselle Monteverde ang walang naiuwing trophy sa Gabi ng Parangal ng 43rd Metro Manila Film Festival (MMFF).
Ang pitong official entries ng MMFF ang naghati-hati sa mahigit 20 plus trophy na ipinamahagi sa awards night na ginawa sa Kia Theater nu’ng Wednesday ng gabi.
Biggest winner ang pelikulang Siargao ng TEN17P Productions na pinagbibidahan nina Jericho Rosales at Erich Gonzales.
Unexpected ito lalo na’t few days after all eight films opened, matunog na matunog na ang mga pelikulang All of You, Deadma Walking at Ang Larawan ang maghahati-hati ng iba’t ibang awards for acting at technical categories.
Samantala, anim na MMFF trophies ang naiuwi ng pelikula kabilang ang 2nd Best Picture, Best Director (Paul Soriano), Best Sound (Robbie Factoran at Ricardo Jugo), Best Original Theme Song (Alon by Hale), Best Editing (Mark Victor) at Best Supporting Actress para kay Jasmine Curtis Smith.
Anim na trophies din ang nakuha ng Ang Larawan ng Culturtain Musical Productions kabilang ang Best Picture, Gatpuno J. Villegas Cultural Award, Best Musical Score (Ryan Cayabyab), Production Design (Gino Gonzales), Posthumous Special Jury Prize (Nick Joaquin) at Best Actress para sa international musical theater star na si Joanna Ampil.
Humakot naman ng apat na awards ang directorial debut ni Coco Martin na siya ring bida at isa sa co-producers ng Ang Panday ng CCM Productions, Star Cinema at Viva Entertainment. Naiuwi nito ang mga karangalang Best Visual Effects, Children’s Choice Awards, FPJ Memorial Award, at Special Jury Prize kay Rodel Nacianceno (real name ni Coco) who was a no-show sa awards night na masama diumano ang pakiramdam nang gabing iyon.
Nasungkit naman ng pelikulang All of You ng Quantum Films, MJM Productions at Globe Studio ang award para sa Best Screenplay, 3rd Best Picture at Best Actor para kay Derek Ramsay. The film’s leading lady, Jennylyn Mercado was conspiciously absent during the awards night. No reason was given by the production people.
Deadma Walking snatched two awards, namely: Best Supporting Actor for its lead actor (the other was Joross Gamboa), Edgar Allan Guzman at Best Float. Ilang oras bago ang awards night, dumaan muna ng St. Claire Monastery in Quezon City si EA, “Para magpasalamat sa mga blessing na natanggap ko this year at ipagdasal na rin na sana’y manalo ako.”
EA shared his award to his co-actor at muli niyang ipinahayag na “dati lang akong back-up dancer ni Joross (Gamboa) kaya bro, I shared this trophy with you!”
Ang child wonder ng Eat Bulaga at star ng Meant To Beh nina Vic Sotto at Dawn Zulueta na si Baeby Baste ang pinarangalan bilang Best Child Performer.
May isang trophy ring naiuwi ang pelikula ni Vice Ganda na The Revenger Squads. Pinarangalan ito bilang Full Length People’s Choice Award. Ngayong taon lang ito iginawad ng pamunuan ng MMFF.
Maging ang direktor nito na si Bb. Joyce Bernal, nagulat din sa kanilang natanggap na award at aniya, “Bakit po kami nanalo? Tanong lang” na tipong nagbibiro lang ang lady filmmaker kasabay na rin ang pasasalamat sa MMFF.
Itinuturing na lucky charm ni Derek ang kanyang 14-year old na anak na si Austin Gabriel Jolly (anak niya sa first wife niyang si Mary Christine Jolly, now separated but in good terms), girlfriend na si Joanna Villablanca at ‘step-daughter’ na si Sophie who were all seated besides the award-winning actor at ang isang blessed rosary na ipinakita niya sa amin at ibinigay diumano sa kanya ng isang madre sa Lipa City.
“Ang ganda ng story behind this. She didn’t know I was coming. She handed it to me and she said, ‘Ginawa ko ito especially for you.’ And ever since that day, my life has turned around!” wika ng Kapatid hunk.
‘Katuwa lang dahil nabigyan ng pagkakataon ang ilang Viva stars na mag-perform at maging presenters sa isa sa mga anticipated film festival sa bansa.
Ang Gabi ng Parangal ay hosted nina Paolo Bediones at former Miss International 2016 Kylie Verzosa at isang girl na hindi na namin nakuha ang pangalan.
Sa simula pa lang, buckle na nang buckle si Kylie. ‘Buti na lang maagap siyang nasasalo ni Paolo who’s really an effective host.
Ang worst ay nu’ng banggitin ng female presenter (sorry again, we didn’t get her name, a newbie) na, “They will win P20 pesos each” instead of P20 thousand each, nang tangghaling Best Male Star of the Night si Derek Ramsay at Best Female Star of the Night si Erich Gonzales.
Nang tanggapin ito nina Derek at Erich, biro ng una, “Paghatian na lang natin ‘yung P20 pesos!” ‘Buti na lang, taped as live ito kaya nagawan ng paraang i-take two ang eksena.
Overall, maayos naman ang programa na prodyus ng Viva Live. Inabot lang ito ng halos tatlong oras.
Ang ilan sa performers ay sina EA, Awra Briguela, Baeby Baste, Nar Cabico (na inawit ang theme song ng All Of You na siya ring sumulat ng kanta), Rachel Alejandro, Joanna Ampil at marami pang iba.
Nang tanggapin naman ng #TeamLarawan ang Best Picture trophy, sa huli ng acceptance speech ni Celeste Legaspi, hinikayat niya ang iba pang cast members na kumanta ng excerpt ng awitin sa movie adaptation ng Ang Larawan kasabay na rin ng pag-iimbita na tangkilikin ang kanilang pelikula.
Sa lahat ng winners, congratulations! See you next year para sa MMFF 2018!