Nagbabala si Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar na mananagot sa batas ang sinumang maaaktuhang nagpaputok o gumagamit ng kahit anong pyrotechnic device, anumang oras, at kahit saan sa lungsod.

Nag-isyu ng babala ang alkalde kasunod ng pagpasa sa “ordinance prohibiting the manufacture display, sale, distribution, possession or use of firecrackers, pyrotechnic devices and such other similar devices and exploding of firecrackers or other similar explosives within the territory of Las Piñas City.”

Gayunman, hindi ipinagbawal ng ordinansa ang paggamit ng pyrotechnic o mga paputok na para sa “community fireworks display” na gagawin sa mga piling lugar para katuwaan ng mga residente.

Paliwanag ni Aguilar, ang community fireworks display ay maaaring kapwa ipinatupad ng lungsod at mga barangay, at maaari rin naman na ipinatupad lamang ng barangay o ng mga may-ari ng mall o katulad na mga establisimyento, at may pahintulot mula sa Bureau of Fire Protection ng lungsod.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Upang mahigpit na maipatupad ang ordinansa laban sa pagpapautok, inatasan ni Aguilar ang mga opisyal ng barangay na magpatrulya sa kani-kanilang barangay upang masubaybayan ang mga posibleng lumabag sa ordinansa.